1 sa mga suspek sa Ruby Rose slay lusot

MANILA, Philippines - Inutos ng Department of Justice ang pag-uurong ng kasong murder laban sa negosyanteng si Lope Jimenez kaugnay sa pamamaslang sa kapatid ng beauty queen-actress Rochelle Barrameda na si Ruby Rose.

Gayunman, idiniin naman sa nasabing kaso ang mister ni Ruby na si Manuel Jimenez III.

Si Lope na kapatid ng biyenan ni Ruby ang nag-iisang inabswelto, mula sa pagiging akusado sa kaso kung saan kabilang din sa nadidiin si Atty. Manuel Jimenez, Jr. na biyenan ni Ruby at lima pang indibdwal.

Matatandaang si Ruby ay natagpuang nakasemento sa isang drum at itinapon sa baybayin ng dagat sa Navotas City.

Kinagat ng DOJ ang argumento ni Atty. Ferdinand Topacio na walang ebidensiya na magtuturo sa kaniyang kliyente na sangkot sa brutal na pagkamatay ni Ruby Rose. (Ludy Bermudo)

Show comments