2 bading dinampot

MANILA, Philippines - Dalawang bakla ang nakulong makaraang mahuling mino-molestiya ang isang 14-anyos na batang lalaki kapalit ng P150 sa loob ng isang comfort room ng Caloocan City Hall Office kamakalawa ng gabi. Nakilala ang mga suspek na sina Mario Albesa “alyas Mary”, 41, at John Carlo Guazon “alyas Janette”, 22, pawang mga nakatira sa Libis Gouichico, Caloocan City. Sa report ng pulisya, alas-9:30 ng gabi, lumilibot ang mga guwardya sa ikala-wang palapag ng City Hall sa kahabaan ng A. Mabini sa Caloocan nang mapuna nilang may kumakaluskos sa isa sa mga comfort room doon. Nang buksan nila ang pinto ng banyo, nagulantang ang mga suspek habang pinagsasasaan ang katawan ng totoy. (Lordeth Bonilla)

Show comments