Rebelyon case ng mga Ampatuan, ni-raffle na

MANILA, Philippines - Nakapili na ang Que­zon City Regional Trial Court (RTC) ng hukom na hahawak sa kasong rebelyon na kinakaharap ng 25 na indibidwal ka­sama na ang mag-amang Andal Ampatuan Sr. at Zaldy Ampatuan.

Ayon sa raffle commit­tee ng QCRTC, ang kaso ay napunta kay Judge Vi­vencio Baclig ng QCRTC Branch 77.

Magugunitang mata­pos masangkot ang pa­milya Ampatuan sa Ma­guindanao massacre ay idineklara ni Pangulong Arroyo ang Martial Law sa lalawigan dahil sa mga ulat na pag-aaklas laban sa pamahalaan sa pa­ngunguna diumano ng mga Ampatuan at ng mga kaalyado ng mga ito.

Bukod sa mag-amang Ampatuan ay ka­sama sa mga respondent sa kaso sina Maguin­danao Vice Gov. Datu Akmad Tato Ampatuan, Shariff Aguak Mayor Datu Anwar Ampa­tuan, Datu Sajid Islam Ampatuan at labing- siyam pang indi­bid­wal na kasabwat uma­no ng pa­milya Ampatuan sa pla­nong pag-aaklas sa gob­yerno. Gemma Amargo-Garcia

Show comments