^

Metro

'Till Death Do Us Part', Mag-asawa magkayakap na natusta

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines -  Magkayakap na natag­puan ang natustang bang­­kay ng isang mag-asa­wang ma­tanda ma­tapos na ma­kulong ang mga  ito mula sa nasu­sunog nilang bahay kama­­kalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang mga bik­tima na sina Marcial San­tos, 88; at asawa nitong si Ramona, 86, kapwa resi­dente ng Urban Bliss, Ba­rangay Tañong ng lungsod.

Sa report ng Malabon City Fire Department, alas-6:45 ng gabi nang mag­liyab ang bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar.

Hindi na nakalabas ang mga biktima na naging da­hilan upang kasamang ma­­tupok ng kanilang bahay at madamay ang lima pang kapitbahay nito.

Alas-7:45 ng gabi nang maapula ang sunog na sinasabing nagsimula dahil sa napabayaang gasera na ginagamit ng mag-asawa.

vuukle comment

MAG

MAGKAYAKAP

MALABON CITY

MALABON CITY FIRE DEPARTMENT

MARCIAL SAN

NAKILALA

RAMONA

SHY

URBAN BLISS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with