Bumbero inabangan, tinarakan

MANILA, Philippines - Patay ang isang fireman volunteer habang nasa kri­tikal na kondisyon ang ka­sa­mahan nito  matapos na pagsasak­sakin ng dala­wang hindi pa nakikilalang kala­ lakihan  sa Malabon City kahapon ng ma­daling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Froilan Eugenio, 22, ng Brgy. Tañong ng lungsod na ito. Sugatan naman si Richard Alfonso, 33.

Sa imbestigayon ng pu­lisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw naganap ang insidente, habang nag­lalakad papauwi ang mga biktima sa kahabaan ng Adante st., Brgy.  Tañong, nang harangin ng mga sus­pek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang dala­wang fire volunteer.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa na­sabing insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments