Computer company ninakawan ng 2 tauhan

MANILA, Philippines - Nabisto sa pagnanakaw ang isang computer tech­nician at isang inventory assistant nang matagpuan sa kanilang personal cabinet ang ilang piraso ng laptop spare parts at LCDs.

Ipinagharap ng kasong qualified theft ng National Bureau of Investigation sa Pasig City Prosecutor’s Office ang mga suspek.

Ang mga suspek na sina Danrich Carganilla, com­puter technician at residente ng Peñalosa St., Tondo, Maynila at Emmanuel Cariaso, inventory assistant ng Neo Manufacturing Services, residente ng Coun­tryside Subdivision, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City, ay ini­­reklamo ng Glee Electronics Inc. at Neo Manu­facturing and Ser­vices Inc. na mata­tagpuan Taipan Place Bldg., Emerald Ave., Ortigas Center, Pasig City.

Natuklasang may mga itinago umano ang mga sus­pek na mga laptop, spare parts, LCDs, keyboards, Mobo, Battery, Mobile Odd Combo at ilan pang gamit sa com­puter na itinuring na ‘double issue’ o nadoble na ang inilabas mula sa kumpanya. Natukoy din ng NBI na may maanomalyang transaksiyon na gina­gawa si Cariaso at kinakasabwat diumano si Carganilla. (Ludy Bermudo)

Show comments