^

Metro

Holdap: 4 sugatan

-

MANILA, Philippines - Kapwa kritikal ang isang pulis at isang holdaper ha­bang sugatan naman ang dalawang kababaihan sa isang holdapan na naganap kamakalawa sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Paga­mutan Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa tiyan ang suspek na si Joseph Fran­cisco, habang nakatakas ang kasama nitong si Ferdi­nand Mark Avila.

Ginagamot naman sa Chinese General Hosital si PO1 Rugene Paule ng Mala­bon City Police sanhi ng tama ng bala sa kaliwang singit. Sugatan din sa insidente sina Ma. Luisa Clemente at Car­melita Lisundra.

Naganap ang insidente dakong alas-3:32 ng hapon habang naglalakad sa Pam­pano St., Brgy. Longos si Cle­mente nang lapitan at holda­pin ng mga suspek.

Hindi ibini­gay ni Clemente ang suot na gold bracelet na naging dahi­lan upang barilin ito ni Francisco. Napadaan na­ man si Paule sakay ng mo­tor­siklo na agad na rumes­ponde at nakipag­barilan sa mga sus­pek. Na­hagip ng ligaw na bala si Lisundra. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CHINESE GENERAL HOSITAL

CITY POLICE

JOSEPH FRAN

LISUNDRA

LORDETH BONILLA

LUISA CLEMENTE

MALABON CITY

MARK AVILA

RUGENE PAULE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with