^

Metro

Binata tumungga ng lason

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola, tumungga ng lason ang isang binata na naging da­ hilan ng kamatayan nito  sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kama­kalawa.

Nakilala ang nasawi na si Jason Haplit, 20, ng Dalagang Bukid St., Brgy. Longos ng lungsod na ito.

Sa pahayag ng nobya ng biktima na si Shermay, 17, alas-5:00 ng hapon, bi­nisita niya ang nobyo su­balit pagpasok sa bahay nila Jason ay nakita nito ang huli na namimilipit at bumubula ang bibig.

Agad na humingi ng tulong ang dalagita na ma­dala sa ospital ang biktima subalit hindi na rin ito na­isalba ng mga doctor dahil sa ininom na silver cleaning solution.

Ayon pa kay Shermay, madalas na sinisisi ng bik­ tima ang sarili dahil naku­­kun­sensiya ito sa pagka­matay ng lolang si Dominga noong nakalipas na February, 2009 dahil sa stroke.

Hindi naman direktang sinasabi ng biktima kay Shermay kung ano talaga ang naging kasalanan ni Haplit sa lola nito na nag­palaki at nagpaaral sa binata.

Patuloy pa ring iniim­bestigahan ang nabanggit na kaso. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

DALAGANG BUKID ST.

DOMINGA

JASON HAPLIT

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

SHERMAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with