Looter binoga, todas

MANILA, Philippines - Binaril sa dibdib ang isang lalaking umano’y nagnanakaw sa mga biktima ng bagyong Ondoy ng di kilalang suspek sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang lalaki na nasa edad pagitan ng 20-25 anyos, 5’3’’ ang taas, matipuno ang pangangatawan, nakasuot ng puting sando, itim na boxer shorts, itim na sumbrero, naka-sinelas at tadtad ng tattoo sa katawan, kung saan nakuha rin sa bulsa nito ang isang Nokia cellphone na umano’y mula sa biniktima nito, at mga kutsilyo.

Nakumpirma ang hinala ng pulisya nang suriin ang ilang contact number sa na­bang­git na cellphone at nagpakilalang may-ari nito at isinumbong na ninakaw lang sa kanya ang cellphone. (Ricky Tulipat)

Show comments