^

Metro

Bike rider lasog sa truck

-

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang ka­tawan ng isang 20- anyos na binata matapos na mabiktima ng hit and run ng isang 10-wheeler truck sa lungsod Quezon kahapon ng mada­ling-araw.

Ayon sa ulat, ulo ang labis na napinsala sa biktimang si Jayson Mendoza, 20, vul­canizing boy ng Malabon City, dahil nagkalat na umano ang utak nito sa kalsada matapos ang insidente.

Nahihirapan naman ang pulisya na matukoy ang na­turang truck na nakabundol dito dahil walang sinuman ang nakakita sa plaka nito.

Sa imbestigasyon, nang­yari ang insidente sa may kahabaan ng Quirino High­way, Brgy. Talipapa sa lung­sod ganap na alas-2:30 ng umaga.

Galing ng Balintawak ang biktima sakay ng kanyang bi­sikleta at tinatahak ang na­sabing lugar patungong No­valiches Bayan nang pagsapit sa harap ng Del Mundo Bldg., malapit sa Solvill St., ay big­lang bundulin ito ng nasabing truck.

Sa pagkakabundol ay tumilapon ang biktima sa kal­sada at dahil mabilis ang takbo ng truck ay nasagasaan pa ito na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Habang ang truck naman ay hindi na nagawang hu­minto at nagtuluy-tuloy na lumayo at iniwan ang biktima. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AYON

BALINTAWAK

BAYAN

DEL MUNDO BLDG

JAYSON MENDOZA

MALABON CITY

QUIRINO HIGH

RICKY TULIPAT

SHY

SOLVILL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with