Suicide natuloy

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang beses na pagtatangkang pagpapakamatay, natuluyan na ang isang 46 anyos na mister nang magbigti ito sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa Maynila. Hini­hinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Danile Pangan, walang trabaho, hiwalay sa asawa ng 186 Apitong St., Sta Mesa ng nasabing lungsod nang matagpuan. Sinasabing may sakit sa pag-iisip ang biktima at hiniwalayan ng asawa at limang taong gulang na anak. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments