Anti-AH1N1 drive sa Quezon City pinatindi

MANILA, Philippines - Pinatindi pa ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Bel­monte ang kampanya ng lunsod upang mapalawak ang kaalaman ng mga residente at empleado rito sa pag-iwas sa sakit na influenza AH1N1 flu virus.

Nauna nang pinakilos na ni Belmonte ang city health personnel na magsagawa ng serye ng personnel orientation hinggil sa naturang flue in­fection.

Sinabi ng alkalde na kaila­ngang magpatuloy ang kam­panya para higit na mapanga­lagaan ang kalusugan ng mga residente. (Angie dela Cruz)

Show comments