^

Metro

Chinese drug lord, 2 pa timbog sa P12-milyong drug bust

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinala­ang Chinese big-time drug trafficker at dalawa nitong kasabwat ang na­sakote ng mga opera­tiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng pagkakasam­sam sa ti­na­tayang P12M halaga ng shabu sa drug-bust ope­rations sa Binondo, Manila.

Sinabi ni NCRPO di­rector Chief Supt. Ro­berto “Boysie” Rosales ang na­sakoteng Chinese drug dealer na si John Wu, alyas Andy, 36, naka-billet sa Manila Hotel.

Ang dalawa pa nitong ka­­sabwat ay nakilala na­mang sina Deron Teddy Mamao, alyas Ted, 34; at Mangundao Amir Hussin Ma­undas, 28; kapwa tu­bong-Ma­rawi City, Ma­guindanao.

Sinabi ni NCRPO-Regional Police Intel­ligence Operations Unit (RPIOU ) Chief, Supt. Leo Francisco, ang tat­long sus­pect ay nasakote ng ka­nilang mga opera­tiba   sa harapan ng isang fastfood chain sa kaha­baan ng Plaza Lorenzo Ruiz, Binondo, dakong alas-11 ng umaga kamakalawa.

Nasamsam sa tatlong suspect ang 2.3 kilo ng shabu, isang itim na Toyota Altis (XEX 166 ) at isang kulay abong Mitsu­bishi Outlander (ZTD- 339). Ang mga suspect ay ipinag­harap na ng ka­song pag­labag sa Sec­tion 5 at 11 ng Dan­ge­rous Drug Law ka­ugnay ng pagtu­tulak at posesyon ng illegal na droga sa Manila City Pro­secutor’s Office.

vuukle comment

BINONDO

CHIEF SUPT

DERON TEDDY MAMAO

DRUG LAW

JOHN WU

LEO FRANCISCO

MANGUNDAO AMIR HUSSIN MA

MANILA CITY PRO

MANILA HOTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with