Biyudong may cancer, nag-suicide

MANILA, Philippines - Nakatarak pa sa lalamunan ang ginamit na patalim matapos magpakamatay ang isang biyudo dahil sa sakit na kanser sa Ca­loocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Wenceslao Bitanghol, 63, ng F. Aguilar St., Bagong Barrio ng lungsod na ito. Sa pahayag ni Nilo Lipa, 35, alas-11:40 ng gabi nang pumasok siya sa loob ng bahay ni Bitanghol upang kumustahin ito, subalit laking gulat nito nang makitang duguan at walang buhay ang huli.

Nakabaon pa sa lalamunan ng biktima ang isang patalim kung saan nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ala-1 kama­kalawa ng hapon. Nabatid na pinahihirapan ang biktima ng kanser nito sa lalamunan na sinasabing dahilan upang magpakamatay. (Lordeth Bonilla)

Show comments