Driver dedo sa banggaan

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver matapos na ma-sandwich sa mina­maneho niyang sasakyan at sa kanyang nakabanggaan kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Marcelino Caya­pan, 40, ng Bene­dicto St., Prenza 1, Ma­rilao, Bulacan. Sugatan din ang nakabang­gaan ng driver ng nasawi na si Jomaar Bazar, 33, ng Blk. 12, Lot 3, Francisco Homes, Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon sa ulat ni P/Chief Insp. Virgilio Ramirez, hepe ng Traffic Sector 2 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), naganap ang insidente sa may Regalado Ave. kanto ng Bristol St., North Fair­view dakong alas-2 ng madaling-araw.

Sinasabing mabilis na binabaybay ng isang Fuzo Truck (CRV- 851) na minamaneho ni Ca­ya­pan ang nasabing lugar kung saan pagsapit sa kanto ng Bristol St., ay nabundol nito mula sa likuran ang isang Isuzu close van (PJN-837) na mina­maneho ni Bazar.

Ayon pa kay Ramirez, sa lakas ng impact ay nawasak ang unahang bahagi ng sasakyan ng biktima hanggang sa tuluyang maipit ito sa nakabanggang closed van dahilan upang bawian ito ng buhay. Sinabi ni Bazar dahan dahan lamang siyang nagpatakbo sa nasabing lugar dahil malubak, pero dahil malakas ang pagkakabundol sa kanya ay umabante siya ng 10 metro mula sa pinagbanggan nito. Patuloy ang imbestigasyon. (Ricky Tulipat)

Show comments