Porno DVD susunugin

MANILA, Philippines - Takdang pangunahan ngayong Lunes ni Manila Mayor Alfredo Lim sa quadrangle ng Manila City hall ang pagsunog sa sako-sako at mahigit kalahating milyong halaga ng mga DVD at CD ng mga piniratang malalaswang pelikula.

Ang mga pornograpikong tapes ay naunang nakumpiska ng mga tauhan ng MCH-District Special Project Unit sa ilang tindahan at bodega sa Quiapo at Sta. Cruz sa naturang lunsod. (Ludy Bermudo)

Show comments