^

Metro

CHR pinapag-inhibit ng PAO

-

MANILA, Philippines - Pinapag-inhibit ng Public Attorneys’s Office (PAO) ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagsasa­gawa ng imbestigasyon tungkol sa Edsa shootout na ikinamatay ng 3 hinihinalang karnaper..

Sa dalawang pahinang liham ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta kay CHR Commissioner Leila de Lima, hiniling nito na ihinto ang pag-iimbestiga dahil sa umano’y pagiging “bias” at sa umano’y pagbi­bigay ng “pre­-judgment” ng huli sa mga pulis na kasama sa nasabing operasyon.

Kasabay nito hiniling din ng PAO kay DILG Secretary Ronaldo Puno na magpalabas ng direktiba laban NAPOLCOM Vice- Chairman Eduarto Escueta na mag-inhibit na rin sa imbestigasyon hinggil sa naturang insidente dahil sa mga pahayag nito sa media sa umano’y pagkakamali ng naturang mga pulis.

Samantala, nanindigan naman ang PNP medico legal sa kanilang pinalabas nilang resulta ng autopsy na kanilang ginawa sa tatlong suspek.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, forensic expert at PAO con­sultant, “misleading” umano ang pahayag ng CHR forensic consultant na si Dr. Raquel Fortun, na umano’y nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang tatlong suspek. Sinabi pa ni Dr. Erfe na normal lang umano sa isang shootout na tagusan   ang tama ng bala sa ibang bahagi ng katawan.

Maituturing na mahinang ebidensya na rin sa korte ang ilang re-autopsy report, dahil ito, ibinase na sa isang “contaminated evidence”. Sinabi pa ni Erfe na ‘ un-ethical at un-professional ang naging pahayag ni Fortun ng sabihin nitong ‘na confused daw ang PNP medico-legal sa kanilang ginawang autopsy. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

CHAIRMAN EDUARTO ESCUETA

CHIEF ATTY

COMMISSIONER LEILA

DR. ERFE

DR. ERWIN ERFE

DR. RAQUEL FORTUN

GEMMA AMARGO-GARCIA

HUMAN RIGHTS

PERSIDA RUEDA-ACOSTA

PUBLIC ATTORNEYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with