Dalaga pinilahan ng 4 na kainuman

Arestado ang apat na kabataang lalaki makaraang halinhinan umanong gaha­sain ang isang 18-anyos na dalagang kanilang kainuman kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Kinilala ang mga na­arestong suspek na sina Roger Pineda, 18; Jerome Belano, 19; Roland Beluan, 20; at 17-anyos na menor de edad.

Sinampahan sila ng ka­song rape matapos ireklamo ng biktimang itinago sa pa­ngalang Sarah Jane, 18, ka­nilang kapitbahay sa Wel­farer­ville Compound, Brgy. Addition hills ng lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni Senior Inspector Julieta Espiritu, Chief, Women’s and Children Protection Desk, naganap ang panghahalay dakong alas-10 ng gabi matapos makipag-inuman ang biktima sa mga suspek.

Nabatid na lasing na ang biktima at nagpaalam na itong uuwi ng kanilang bahay su­balit hindi ito pinayagan ng mga suspek at sa halip na iuwi ay sapilitan itong inihiga sa lamesa at tulung-tulong na hinu­baran ito ng apat na ka­bataan at isagawa ang krimen.

Matapos ang pang-aabuso ay nakatulog na umano ang mga suspek na sinamantala naman ng bik­tima para tumakas.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Manda­luyong detention cell habang inihahanda ang nasabing kaso. (Edwin Balasa)

Show comments