Bisikleta vs truck: Dalagita patay

Patay ang isang 17-anyos na dalagita habang sugatan ang dalawa pang nakababatang kapatid, nang mahagip ng isang trailer truck habang magkaka-angkas sa isang bisikleta, sa Tondo, Maynila kamakalwa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center (JRMMC) ang bikti­mang si Irene Garzola, habang gina­ gamot din sa nasabing pa­­ga­mutan ang dalawang kapatid nitong sina Sonny Garsola, 14; at Rose­marie, 4, pawang resi­dente ng Area A, Gate 64, Pa­rola Com­pound, Tondo, Maynila.

Hawak na ngayon ng Manila Traffic Enforce­ment Office ang suspect na si Pepe Gerldinez, 59, driver, ng Tri-G Trucking ng 5-E Captain Musni St., Sta. Ana, Pateros, Metro Manila, na ku­sang sumuko sa awtoridad matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO2 Sergio Ma­caraig, dakong ala-1:35 ng hapon nang maaganap ang in­si­dente sa access road ng Ma­nila International Container Ter­minal (MICT) compound, Tondo.

Nabatid na nag-overtake ang trailer truck na may plakang TXE 487, na minamaneho ng sus­pect at halos malagpasan na nito ang bisikletang minama­neho ng dalagita habang sakay ang dalawang kapatid, nang sumabit umano ang kanang gulong ng truck sa puwitan ng bisikleta. (Ludy Bermudo)

Show comments