Carwash boy nagbigti gamit ang kadena ng aso

Isang 17-anyos na carwash boy ang nagbigti gamit ang kadena ng aso sa loob ng parking lot na kanyang pina­­pasukan, kahapon ng madaling-araw, sa Sta. Cruz, Maynila.

Pinaniniwalaang may ilang oras nang patay si Madison Lack, binata, ng  Alvarado St., Tondo, Maynila, nang madiskubre ng kasamahan sa trabaho.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang makita ni Salvador Fornaje, isa ring carwash boy, ang naka­bigting biktima sa gilid ng nakaparadang Kia Pride, sa FT Parking Lot sa 740 F. Torres St., Sta. Cruz, Maynila.

Ina­alam ang motibo ng pagpapakamatay at kung may foul play sa kaso. Nabatid na ampon lamang si Lack ng isang Virgie Co kung saan umano ito nakatira. (Ludy Bermudo)

Show comments