Salvage victim natagpuan sa UP Diliman

Muli na namang nalagay sa kontro­ber­sya ang seguridad sa UP Diliman, Que­zon City matapos na isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan dito kahapon ng umaga.

Patuloy na kinikilala pa ng mga awto­ridad ang bangkay ng lalaki na natagpuan dakong alas-5:45 ng umaga sa may Nursery­, Pook Arboretum, UP Campus. Nag­­tamo ito ng mga tama ng bala sa kanang pisngi at sentido sanhi ng kanyang kamatayan.

Inilarawan ang biktima na nasa 5‚4 -5‚7 ang taas, 20-25 anyos, maigsi ang buhok, nakasuot ng abuhing sando at brown na shorts at ballot ng masking tape ang bunganga at leeg.

Isang placard ang nakapatong sa bangkay nito kung saan nakalagay ang katagang, ‘310 TBS huwag pamarisan’. Nakarekober rin ng dalawang basyong bala sa naturang lugar.

May hinala ang pulisya na maaaring sangkot sa away ng mga gang ang biktima dahil maaaring ang kahulugan ng TBS ay ang ‘True Brown Style gang’ na siyang pinakamalaki at pinakamarahas ngayong gang ng mga kabataan sa bu­ong Metro Manila. (Danilo Garcia)

Show comments