Nangikil sa motorista, dinampot

Isang babaeng em­pleyado ng Diamond Towering Services ang inaresto ng pulisya dahil sa tangkang pango­ngo­tong  umano sa isang mo­torista sa Malabon City kama­kalawa ng gabi.

Nahaharap sa ka­song robbery-extortion ang suspek na si  Ruby Raguin bagaman pinag­hahanap ang kasama niyang dala­wang lalaking nakatakas.

Sinabi ng biktimang si Roberto Abad na, dakong alas-10 ng gabi, hinarang siya ng mga suspek na may dalang towing truck  sa Lapu-Lapu Ave­nue, Longos, Malabon ha­bang minamaneho niya ang de­livery van ng Mega Fishing Corp.

Kinuha ng mga sus­pek ang susi at tinang­ gal ang baterya ng truck at hinihi­ngan siya ng P5,000.

Umalis ang biktima at nagsumbong sa mga pulis at nang balikan ay nag­takbuhan ang mga ka­samang lalaki ng suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments