Lalaki nagbigti sa mahogany tree

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa puno ng mahogany ang isang hindi nakikilalang lalaki kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.

Nakabitin pa sa puno nang madiskubre ang bangkay ng lalaki na inilarawan lamang na may edad na 35-40,  may taas na 5’4 hanggang 5’7, maiksi ang gupit ng buhok, payat ang pangangatawan, nakasuot ng berdeng t-shirt at maong pants.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-2:15 ng madaling-araw nang madiskubre ang nakabitin na katawan ng nasawi sa puno ng mahogany na mata­tagpuan sa isang eskinita sa 2161-A malapit sa  tulay ng Pres. Quirino Ave. Paco, Maynila. Bago umano nadis­kubre ang bangkay ay humiram muna ang nasawi ng lighter sa isang cigarette vendor at tulalang naglakad papalayo pa­tungo sa direksyon ng Quirino Ave. May hinala naman ang pulisya na dayo lamang ang lalaki sa naturang lugar dahil hindi ito kilala ng mga residente rito.

Sa kabila nito, patuloy namang inaalam ng pulisya kung mayroong naganap na foul-play sa naturang insidente. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments