^

Metro

Army Col. iniwan ni misis, nag suicide

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

Isang Army Colonel na tinaguriang “Mindanao warrior” ang nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng quarters nito sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Makati City  kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Col. Roberto Caldeo, 48, na­katalaga sa Training and Doctrine Command sa Camp O’Donnel, Capas, Tarlac. Nagtamo ito ng isang tama ng bala ng baril sa noo. Nabatid na  nag-iisa sa kanyang quarters si Caldeo ng mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang maka­rinig ng malakas na putok ng baril sa quarters ng biktima sa Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAA) sa Fort Bonifacio at nang tu­ nguhin ay doon natuklasan ang duguang biktima na nakahandusay sa may sala. Isang kalibre .45 baril din ang natagpuan sa lugar.

Ang biktima ay nata­laga rin bilang Staff Officer sa Command and General Staff College sa Camp Aguinaldo at bago ito ay nagsanay sa elite forces ng Scout Rangers at Special Forces  kung saan nata­laga rin ito sa Mindanao  bilang 1st Scout Ranger Battalion at 33rd Infantry Battalion sa Mindanao na kabilang sa pangunahing suma­gupa sa mga bandi­dong Abu Sayyaf.

Ayon sa mistah ni Cal­deo sa Phil. Military Aca­­­demy (PMA) Class 1983, ang biktima ay isang ma­husay na opisyal baga­man tahimik na tao na ka­dala­sang pangiti-ngiti lamang.

“He’s one of the best. He has good quality leader­ship,” ayon kay Col. Ricardo Visaya na nagsabi ring sobra ang depresyon ng kanyang mistah at may mabigat itong dina­dalang problema. Sinabi naman ng ilang sources na per­sonal ding kakilala ng bik­tima na iniwan ito ng kan­yang misis at buhat noon ay naging malulungkutin na ang na­sabing opisyal na posibleng siyang sanhi ng pagpapa­kamatay nito. Nabatid pa na sa kasaluku­yan ay nasa Estados Uni­dos umano ang misis ng nasabing opisyal. 

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang im­bes­tigasyon sa kaso para alamin kung may naganap na foul play dito.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMY HEADQUARTERS

AYON

MINDANAO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with