Opisyal ng NAPEMA inireklamo ng tauhan

Mariing nanawa­gan kahapon ang ilang em­pleyado at miyembro ng Na­tional Police Com­mis­sion Em­­ployees Asso­cia­tion sa   Depart­ment of In­terior and Local Go­vern­ment  na imbes­ti­ga­han ang ilan nilang mga opis­yal na “nag­lam­yerda” sa Bora­cay na ang pondo uma­nong  gi­namit ay mula sa kaban ng bayan na nag­kaka­halaga ng P.4 million sa kabila ng di­na­ranas na paghihika­hos ng mga ma­liliit na kawani at ma­tinding init na narara­na­san dahil sa halos da­la­wang buwan nang wa­lang air-con­dition ang ka­nilang opisina.

Subalit sa kabila ng  pagbabawal ng Mala­ca­ñang dito, napag-ala­man sa ilang miyembro ng NAPEMA, na humi­git ku­­mu­lang sa ka­ nilang 33 officials ay nagsa­gawa ng kanilang anim na araw na re­gional direc­tors con­ference sa Iloilo, na ang ginastos ng mga ito ay uma­bot uma­no sa P.4 million para sa airfare at accommo­da­tion sa hotel at pagka­tapos ay nag­lam­yerda ang mga ito sa Boracay.

Mahigit dalawang buwan nang inirerek­lamo ng mga ka­wani ang sob­rang init ng ka­nilang tang­gapan, kung saan ang ilan sa mga kawani ay nag­­­kaka­sakit ng heat stroke.

Ikinakatwiran ng pa­mu­nuan ng NAPOL­COM na walang pera ang ahen­­­siya kaya wa­lang pambili o hindi muna  ma­­ipapa­gawa ang air-con at mag­titiis pa sila hang­gang Agosto. (Lordeth Bo­nilla)

Show comments