^

Metro

CAMANAVA police umalerto sa mga nagsasamantala sa bigas

-

Nakaalerto  at tinututukan ngayon ng pamunuan ng Northern Police District (NPD) ang bawat palengke sa Ca­loocan-Malabon-Navotas-Va­lenzuela (CAMANAVA) area  hinggil sa mga mapag­sa­mantalang negosyante ka­ugnay   sa mga reklamo ng re-bagging at over pricing sa mga bigas ng National Food Authority (NFA), kung saan isang tindahan ang kanilang ni-raid.

Ito ay matapos na maka­tang­gap ng impormasyon si NPD District Director C/Supt. Pedro U. Tango, na karami­han sa mga tindahan ng bigas ang naghahalo sa kanilang mga paninda at ibinebenta pa sa mataas na halaga.

Dahilan nito, dakong alas-11 ng umaga ay sinalakay ng mga tauhan ng Station Inves­tigation and Detective Ma­nagement Branch (SIDMB) ng Caloocan-PNP ang Chris Rice Dealer, na matatagpuan sa J&B Bldg., Bonifacio Market, Brgy. 81 ng nasabing lungsod.

Ang pagsalakay ay isina­gawa ng Caloocan Police ma­tapos na makatanggap ng reklamo buhat sa ilang resi­dente ukol sa nagaganap na re-bagging ng NFA rice dito.

Napag-alaman na ang na­sabing tindahan ay pag-aari nina Christian Barrera at Caro­lyn Barrera na NFA Rice Dealer (Bigasang Bayan ni Gloria) kung saan lumalabas sa dokumento na ligal ang kanilang establisimyento at ang kanilang Notice of Award ay pirmado ni Atty. Jose Cor­dero, Regional Director, NCR-NFA; NFA Official Receipts ng pinirmahan ni Ma. Theresa G. Gutierrez; NFA driver’s trip ticket at NFA retailing policies.

Mahigpit namang pinabu­la­anan ng pamilya Barrera ang akusasyon sa kanila ka­sabay ng pagsasabing hindi sila lumalabag sa itinakdang kautusan ng NFA at ibinibenta nila sa halagang P18.25 ba­wat kilo ang NFA rice at dala­wang kilo lamang ang puwe­deng mabili ng isang con­sumer at hindi rin sila nagha­halo nito para sa commercial rice. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

B BLDG

BIGASANG BAYAN

BONIFACIO MARKET

CALOOCAN POLICE

CHRIS RICE DEALER

CHRISTIAN BARRERA

DETECTIVE MA

NFA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with