Lolo sinuwag ng bus, kritikal

Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang hindi pa nakikilalang lolo makaraang suwagin ng pampasaherong bus kahapon sa Quezon City. Ang biktima na inilarawan sa edad 60, may taas na 5‚3 kayumanggi, may kapayatan ang panganga­tawan, maiksi ang buhok at nakasuot ng itim na jacket ay patuloy pang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center. Ayon sa ulat, dakong alas-5:20 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa kanto ng Edsa at Kamias Rd. Nabatid na binabagtas ni Emberso Napoleon Quijano, tsuper ng Fides Express Bus line (NYJ-328) ang Edsa nang biglang tumawid ang biktima. Ayon naman sa security guard ng East Avenue Medical Center na si Jerome Perez lubhang na-apektuhan ang ulo umano ng biktima. (Danilo Garcia )

Show comments