‘Akyat-bahay’ tumalon sa estero, dedo

Minabuti pang mamatay ng isang 38-anyos na lalaki na pinaniniwalaang kawa­tan kaysa masakoteng buhay ng pulisya ma­­­karaang tumalon ito sa maburak na es­tero sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng umaga.

Natagpuang nakalutang sa Estero de Valencia ang bangkay ni Amelgar No­vales Jr., ng Area-D Parola compound sa Tondo, Maynila.

Ayon sa pulisya, namataan si Novales habang papalabas sa Zandrox Bldg. sa #3068 Magsaysay Blvd. habang bitbit ang isang telebisyon na pag-aari ni Gil Sanorjo at ilang pantalon na kinuha nito sa sampayan.

Napag-alamang nakakuha ng aten­syon ang ilang tambay matapos na mag­si­­sigaw ang ilang residente ng na­sabing gusali kaya hinabol ito at umali­ngaw­ngaw ang isang malakas na putok pero hindi pa rin tumigil sa pag­takas si Novales hanggang sa nakitang tumalon sa naturang estero at hindi na lumutang.

Bandang alas-3 ng madaling-araw nang lumutang ang bangkay ng bik­tima na may tatlong sugat sa ulo na ang isa ay pinaniniwalaang tama ng bala.

Show comments