^

Metro

Pipi dinukot

-

Isang   malawakang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Pasay-PNP kaugnay sa pagkaka­dukot ng armadong mga kalalakihan sa isang ma­gandang piping estudyante habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan, kamakalawa ng tanghali sa naturang lungsod.

Mismong ang faculty member ng Philippine School for the Deaf, na nasa F.B. Harrison St., Pasay City na si Ms. Edna Paraiso ang nag-report kahapon sa himpilan ng pulisya hinggil sa pagkakadukot sa kanyang estud­yante na si May Delia Peña, 26, residente ng Pilar Village, Las Piñas City.

Ayon sa report, dakong alas-9:30 ng umaga nang ideklara ng Department of Education (DepEd) ang sus­pensiyon ng klase sa Elementarya at High School.

Bandang 12:30 ng tanghali, kasama ng dalaga ang kanyang kamag-aral na sina Jecel Joy Boaquillos, 13, ng Road 2-4 Signal Village, Taguig City at Joy Ann del Rosario, 15, ng Kalsadang Bago, Imus, Cavite na naghi­hintay ng masasakyan sa waiting shed sa EDSA, malapit sa Heritage Hotel, sa naturang lungsod  pauwi ng kanilang bahay.

Nasaksihan ng mga kamag-aral ng biktima nang biglang pumarada ang isang van na hindi nakuha ang plaka at isa sa tatlong lalaki ang sapilitang isinakay ang dalaga sa sasakyan at itinakas ang biktima patungong Diosdado Macapagal Avenue. Sa pagsasalarawan sa pamamagitan ng senyas ng mga nakasaksing pipi, isa sa dumukot sa dalaga ay naka­suot ng kulay itim na sando, nakasumbrero, may ahas na tattoo sa kaliwang braso at seksing babae sa kaliwa.

Kahapon ng umaga, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng dalaga na nagbigay impormas­yon hinggil sa kanilang hinala na posibleng ang dating ma­sidhing manliligaw ng kanilang anak ang may kaga­gawan sa pagkakadukot sa kanilang anak. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIOSDADO MACAPAGAL AVENUE

HARRISON ST.

HERITAGE HOTEL

HIGH SCHOOL

JECEL JOY BOAQUILLOS

JOY ANN

KALSADANG BAGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with