Kaanak ni Chavit sasagupa kay JV

Sa halalang lokal sa San Juan, Metro Manila, isang kamag-anak ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang kakandidatong alkalde at kakalaban sa reeleksyunistang ehekutibo rito na si Mayor Joseph Victor "JV" Ejercito.

Isang hipag ni Singson na si Grace Domingo-Singson ang inaasahang magtatangkang umagaw sa puwesto ni JV na anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Matatandaang isa si Singson sa dating mga matalik na kaibigan ng napatalsik na presidente pero mortal na magkalaban na sila ngayon makaraang tumestigo ang gobernador sa kasong plunder laban sa matandang Estrada.

Pero sinasabi umano ni JV na hindi siya natitigatig sa kamag-anak ni Singson. Idinagdag niya na mabuti para sa kanya ang bago niyang kalaban sa pulitika.

Noong nakaraang taon, naging mainitan ang paghaharap ng batang Ejercito at ni Sing son sa isang pagdinig sa Sandiganbayan na lumilitis sa ama nito. (Non Alquitran)

Show comments