2 sekyu ‘bantay-salakay’, Shopping center nilooban

Tinatayang umaabot sa mahigit sa P1 M cash money ang natangay ng dalawang gwardiya matapos nilang looban ang shopping center na kanilang binabantayan, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Pasay City Police laban sa mga suspect na sina Ephraim Licayan, 31, may asawa, nakatira sa MB 27, 503 B, Barangay Ususan, Taguig City at Juvy Villanueva, 23, ng 12th St., Santo Niño, Parañaque City.

Base sa report na natanggap ni Police Supt. Simon Gonzales, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division, ng Pasay City Police, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-9 ng gabi hanggang alas-4:30 kahapon ng madaling araw sa U-Need Shopping Center na matatagpuan sa Taft Avenue Extension, Pasay City. May hinala ang mga awtoridad na nilooban ng mga suspect ang nabanggit na shopping center. (Lordeth Bonilla)

Show comments