Jobless na ama, nagbigti

Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang ama dahil sa matinding depresyon sa buhay sanhi ng kawalan ng trabaho, kahapon ng umaga sa San Andres, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Ariel Serafica, 56, ng Estrada St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, nadiskubre ang pagpapakamatay ni Serafica dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa loob ng kuwarto nito.

Ayon sa anak nitong si Donna, huli nilang nakitang buhay ang ama nang sumabay ito sa kanila ng kanyang ina na kumain ng hapunan. Nagtalo pa umano ang dalawa dahil sa kawalan ng trabaho ng nasawi.

Natulog na mag-isa sa kuwarto ang nasawi at kinatok ng kanyang anak alas-7 ng umaga, subalit hindi ito nagbubukas. Napilitan na silang puwersahin ang pintuan hanggang sa tumambad sa kanila ang nakabitin na katawan ng biktima.

Wala namang nakuhang anumang suicide note sa kuwarto. (Danilo Garcia)

Show comments