^

Metro

NPA hindi makakaporma sa MM - bagong NCRPO chief

-
Tiniyak kahapon ng bagong talagang National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Reynaldo Varilla na magiging ligtas laban sa pananabotahe ng mga rebeldeng komunista ang Metro Manila.

Ito’y matapos na pormal na magretiro kahapon si ret. Director Vidal Querol at isalin ang posisyon kay Varilla sa ginanap na simpleng seremonya kahapon.

Si Varilla ay dating intelligence officer ang nahirang ni Pangulong Arroyo upang ipalit kay Querol matapos itong magretiro kahapon sa gulang na 56-anyos.

Sinabi ni Varilla na haharangin niya ang mga rebeldeng magtatangkang humalo sa mga raliyista at maghasik ng terorismo sa mga pangunahing lugar sa Metro Manila.

Maliban dito, ayon pa kay Varilla ay palalakasin niya ang kampanya laban sa kriminalidad kabilang ang pagsugpo sa street crimes. (Joy Cantos)

DIRECTOR REYNALDO VARILLA

DIRECTOR VIDAL QUEROL

JOY CANTOS

MALIBAN

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGULONG ARROYO

SI VARILLA

VARILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with