NAPOLCOM naglagay ng surveillance camera vs leakage

Upang maiwasan ang leakage, naglagay ng surveillace camera ang National Police Commission (NAPOLCOM) habang inihahanda ang mga test material at pagtse-check dito mula sa mahigit 42,000 at nais na magpulis na kumuha ng pagsusulit sa Pasig at Makati City at sa 18 testing centers.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Imelda Roces, layunin ng surveillance camera o Closed Circuit Television System na matiyak at mapanatili ang integridad at kalinisan ng police exam na kanilang ibinibigay.

Bukod dito, maiiwasan din ang pagkakasangkot ng ilang kawani ng NAPOLCOM at maipakita ang pagkakaroon ng transparency.

Dito ay malalaman kung sino sa mga examinees ang dapat na maging pulis at walang ginagawang pandaraya habang nag-e-exam. (Lordeth Bonilla)

Show comments