‘Pajero Lady’ balik-kalaboso

Nadakip muli ng mga tauhan ng pulisya ang tinaguriang "Pajero Lady" na matagal ng wanted sa batas dahil sa kasong pagnanakaw sa mga mayayamang residente sa loob ng isang exclusive subdivision sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Balik-kulungan ang suspect na si Maria Lourdes de Guzman, na nauna nang nagpanggap na patay para takasan ang sangkaterba niyang kaso.

Natunton ito ng mga awtoridad dakong alas-11 ng gabi sa bahay ng isang Jose Ching sa 6 Mars St., Brgy Bel-Air sa nabanggit na lungsod na balak na namang biktimahin nito.

Ayon kay Ching napansin niyang aali-aligid sa labas ng kanyang bahay ang suspect kaya agad siyang nagreport sa pulisya.

Nakapasok ang suspect sa subdivision gamit ang isang nakaw na Toyota Innova na may pekeng sticker.

Natiyempuhan ng pulisya ang suspect habang ito ay papatakas na sana. (Lordeth Bonilla)

Show comments