^

Metro

Compound ng shabu market hinukay

-
Inumpisahan ng hukayin kahapon ang Mapayapa Compound sa Barangay Sto. Tomas, Pasig City na kinatitirikan ng ‘shabu market’ matapos na ituro ng isang saksi ang lugar na pinaglibingan nang buhay ng isa sa mga biktima ng sindikato ng droga.

Dakong alas-10:20 ng umaga nang simulang hukayin ang isang parte sa mahigit 1,000 metro kuwadradong lupa na kinatitirikan ng ‘shabu market’ upang makuha ang labi ng isang nagngangalang Bernardo na ayon sa isang babaeng saksi ay inilibing nang buhay noong Nobyembre 2005.

Sa rekord ng pulisya na noong Oktubre 2005 ay naaresto ng pulisya si Bernado at nakipagtulungan pa ito sa mga awtoridad sa pagturo sa mga miyembro ng sindikato na nagpapakalat ng droga sa nasabing lugar.

Lingid sa kaalaman ni Bernardo ay kabilang pala sa sindikato ng iligal na droga ang mga pulis na humuli sa kanya.

Si Bernardo ay isinimento nang buhay at inilagay sa loob ng isang drum. Ayon pa sa saksi na marami pang pinatay ang sindikato ng droga at inilibing sa loob ng compound na kinatitirikan mismo ng ‘shabu market’. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BARANGAY STO

BERNADO

BERNARDO

DAKONG

EDWIN BALASA

INUMPISAHAN

MAPAYAPA COMPOUND

PASIG CITY

SI BERNARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with