Ayon kay Criminal Investigation Division (CID) chief ng Pasig police na si Supt. Galvan, ang mga suspect na karamihan ay may mga kasong robbery snatching ay tumakas sa ikalawang palapag ng Pasig BJMP kung saan sila nakakulong. Nadiskubre ang pagkawala ng mga preso dakong alas-8:30 ng umaga nang umikot sa loob ng kulungan ang duty jailguard.
Lumalabas sa imbestigasyon na nilagare ng mga suspect ang bintanang rehas na bakal sa loob ng kanilang kulungan at nang makalusot doon ay tumulay sa pader sa gilid ng gusali patungong squatters area malapit dito at doon nagsitalon.
Posible umanong ginawa ang pagtakas ng mga suspect bandang alas-3 hanggang alas-4 ng madaling-araw at nalusutan ang anim na jailguard na nakatalaga sa mga oras na iyon.
Dahil sa insidente ay hinalughog na ng kapulisan ang mga kalapit-lugar na puwedeng pagtaguan ng mga suspect habang kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyoon sa lugar si Sr. Supt. Fermin Enriquez, Intelligence Division ng BJMP National Capital Region at kung anong kaparusahan ang ipapataw sa anim na jailguard na nakatalaga ng oras na iyon. (Edwin Balasa)