^

Metro

Pulis, 4 pa tiklo sa abortion

-
Lima katao kabilang ang isang bagitong pulis at isang abortionist na sangkot sa abortion activities ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga nadakip na sina PO1 Allan Bugayong, 32, nakatalaga sa NCRPO, maintainer at protector ng grupo; Margie Catipon, 26, abortionist; Lanie Santos, 45; Marnela Ramilo, 32; at Maricar Villanueva, 28.

Nabatid sa ulat na nakatanggap ng maraming reklamo ang tanggapan ng Counter Intelligence ng Southern Police District (SPD) tungkol sa aktibidades ng grupo.

Dakong alas-3 ng hapon ng ihanda ang isang bitag laban sa mga ito sa 124 Cuneta Avenue, Pasay City na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspect.

Nasamsam sa mga nadakip ang mga abortion paraphernalias; P5,000 marked money, 2 cellphone, isang .45 pistol, mga bala at ID ni PO1 Bugayong.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLAN BUGAYONG

COUNTER INTELLIGENCE

CUNETA AVENUE

LANIE SANTOS

LORDETH BONILLA

MARGIE CATIPON

MARICAR VILLANUEVA

MARNELA RAMILO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with