Sa memorandum na ipinalabas kahapon ni Eusebio na ipinamahagi sa hepe ng traffic at mga barangay officials nakasaad dito ang indefinite suspension ng color coding sa Pasig City .
Napag-alaman pa sa mayor na sa simula pa lang ay ayaw na niya sa color coding scheme subalit binigyan niya ito ng pagkakataong maipatupad gayunman hindi umano ito nakaginhawa sa trapiko sa lungsod kundi naging sagabal pa sa pag-unlad dito.
Ang pagsuspinde sa naturang traffic scheme ay ipinagbigay alam na rin ni Eusebio sa mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaya hindi na rin sila puwedeng manghuli ng nasabing violation sa bisinidad ng Pasig.
Bukod sa MMDA, traffic enforcers, hindi na rin puwedeng manghuli ang may 300 traffic enforcers ng nasabing lungsod sa nabanggit na traffic scheme. (Ulat ni Edwin Balasa)