Sa report na ipinadala ni MCJ Warden Sr. Supt. Gilbert Marpuri kay Chief Supt. Armando Llamasares, BJMP-NCR Director isinagawa ang Greyhound dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa.
Nakatanggap ng impormasyon si Marpuri na may itinatagong kontrabando sa Cell no. 14 partikular sa cubicle ng inmate na si Amerphil Plaza y Barella kung kayat agad niyang inatasan si Sr. Insp. Fermin Enriquez, IIB chief na bumuo ng team.
Hindi nag-aksaya ng oras ang grupo ni Fermin at sa halip ay agad na pinasok ang cell no. 14 kung saan sinimulan ang paghalughog.
Nakita ang mga shabu na nakalagay sa pagitan ng adobe brick habang ang mga patalim naman ay nakuha mula sa ilalim ng kama at sapatos.
Inihahanda na ang kasong illegal possession of prohibited drugs at illegal possession of deadly weapon laban kay Plaza at iba pang inmates. (Ulat ni Doris Franche)