^

Metro

Shabu, patalim kuha sa Manila City Jail

-
Nakuha ng mga tauhan ng Manila City Jail (MCJ) ang 13 sachet ng shabu, shabu paraphernalia at patalim mula sa isang selda nang magsagawa ng Oplan Greyhound.

Sa report na ipinadala ni MCJ Warden Sr. Supt. Gilbert Marpuri kay Chief Supt. Armando Llamasares, BJMP-NCR Director isinagawa ang Greyhound dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa.

Nakatanggap ng impormasyon si Marpuri na may itinatagong kontrabando sa Cell no. 14 partikular sa cubicle ng inmate na si Amerphil Plaza y Barella kung kaya’t agad niyang inatasan si Sr. Insp. Fermin Enriquez, IIB chief na bumuo ng team.

Hindi nag-aksaya ng oras ang grupo ni Fermin at sa halip ay agad na pinasok ang cell no. 14 kung saan sinimulan ang paghalughog.

Nakita ang mga shabu na nakalagay sa pagitan ng adobe brick habang ang mga patalim naman ay nakuha mula sa ilalim ng kama at sapatos.

Inihahanda na ang kasong illegal possession of prohibited drugs at illegal possession of deadly weapon laban kay Plaza at iba pang inmates. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AMERPHIL PLAZA

ARMANDO LLAMASARES

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

FERMIN ENRIQUEZ

GILBERT MARPURI

MANILA CITY JAIL

OPLAN GREYHOUND

SR. INSP

WARDEN SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with