^

Metro

Bitay sa rapists ng 6-anyos

-
Parusang kamatayan ang iginawad ng Valenzuela City Regional Trial Court laban sa isang lalaki makaraang mapatunayang nagkasala sa kasong panggagahasa sa isang 6-anyos na paslit may anim na taon na ang nakakalipas.

Sa walong pahinang desisyon ni Judge Maria Nena Santos ng Valenzuela City RTC Branch 171, ang akusadong si Edgar Esmolada ay napatunayang nanggahasa sa biktimang itinago sa pangalang Jane noong Setyembre 7, 1999 na noon ay 6-anyos pa lamang.

Pinagbabayad din ng korte ang akusado ng halagang P75,000 bilang danyos sa kanyang biktima.

Batay sa rekord ng korte, dakong alas-2 ng hapon noong Setyembre 7, 1999 nang halayin ng akusado ang biktima sa loob ng tahanan nito sa Bonifacio St., Libis, Canumay ng nasabing lungsod.

Ayon sa pahayag ng biktima sa kanyang ina, kasalukuyan siyang naglalaro kasama ang ilang bata nang yayain siya ng suspect sa bahay nito. Pagpasok pa lamang sa bahay ay hinila na umano siya ni Esmolada sa loob ng comfort room. Doon umano ay hinubaran siya ng akusado at saka inihiga at ginahasa.

Tinakot pa ng akusado ang paslit na huwag magsusumbong.

Kinatigan ng korte sa isinagawang paglilitis ang ebidensiyang inihain laban dito bukod pa sa testimonya ng medico legal na sumuri sa bata. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BATAY

BONIFACIO ST.

CANUMAY

EDGAR ESMOLADA

JUDGE MARIA NENA SANTOS

ROSE TAMAYO

SETYEMBRE

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with