20 empleyado ng BIR nalason sa pansit

Dalawampung empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nalason matapos na makakain ng panis na pansit kamakalawa sa Quezon City.

Ginagamot sa East Avenue Medical Center at Capitol Medical Hospital ang mga empleyado na nagdiriwang ng centennial year ng ahensya makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagkahilo.

Lumilitaw na dakong alas-10 ng umaga nang i-deliver ng isang kilalang fastfood ang inorder na pansin ng BIR at ipinakain sa mga empleyado dakong ala-1.

Bagamat ligtas na ang mga biktima, masusi pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang dahilan ng pananakit ng tiyan at pagkahilo ng mga empleyado.

Ayon sa pulisya, posibleng napanis ang pansit dahil sa tagal ng pagkakatakip dito na tatlong oras pinaghintay ang pagkain. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments