^

Metro

11 kabataan nagharap ng kaso vs Destilleria Limtuaco

-
Maging ang isang grupo ng mga kabataan ay nagsampa na rin ng kasong kriminal sa Department of Justice (DoJ) laban sa kompanya ng Destilleria Limtuaco na nagpa-advertise ng "Nakatikim ka na ba ng Kinse Anyos?".

Batay sa inihaing joint complaint affidavit ng labing-isang kabataan na may edad 13-16 anyos, naghain sila ng demanda laban sa nasabing kompanya na may-ari ng Napoleon Brandy.

Isinampa ng mga ito ang kasong paglabag sa RA 7610 — Anti-Child Abuse Law at Article 201 ng Revised Penal Code o kasong obscenity laban sa Napoleon Brandy dahil sa pagpapalaganap umano ng imoralidad.

Binigyang-diin ng mga nasabing complainant na nanghihikayat ng masamang imahe ang nasabing mga ads kung saan ay maaaring maapektuhan nito ang isipan ng mga kabataang tulad nila na makakakita nito.

Lumilitaw na may nilalamang kabastusan umano ang naturang ads na hindi dapat palampasin at nararapat lamang na ipatigil.

Ipinaliwanag pa rin ng mga kabataan na nais lamang nilang maprotektahan ang kanilang mga karapatan batay sa itinatadhana ng batas. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANTI-CHILD ABUSE LAW

BATAY

BINIGYANG

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

DESTILLERIA LIMTUACO

KINSE ANYOS

NAPOLEON BRANDY

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with