Joey Marquez at Alma Moreno magsasagupa sa pulitika

Tuluyan nang magsasagupa sa pulitika sina Parañaque City Mayor Joey Marquez at ang kanyang dating asawang si Alma Moreno makaraang manumpa ang huli sa Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa pagkandidato nito bilang mayor sa lungsod sa darating na halalan sa Mayo 2004.

Si Alma na Vanessa Lacsamana sa tunay na buhay ay pormal na nanumpa kay NPC Executive Director Frisco San Juan.

Tuloy na umano ang pagtakbo nito sa pagka-alkalde at makakatunggali nito si Pablo Olivarez sa naturang posisyon na kapartido naman ni Marquez.

Nabatid na tatakbong congressman si Marquez sa ilalim ng partido ng Lakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments