^

Metro

2-katao magkasabay na nag-suicide

-
Dahil sa matinding pangungulila ng isang 58-anyos na biyudo sa kanyang nasawing asawa ay minabuti nito na wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Benjamin dela Cruz, residente ng 157 Zapote Road at D. Arellano St., Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Si dela Cruz ay natagpuang nakabitin sa biga ng kanilang bahay ng kanyang mga kaanak dakong alas-7 na ng umaga subalit pinaniniwalaan na dakong alas-5 pa ng madaling araw ito nagbigti.

Bago umano nangyari ang insidente ay unang idinadaing ng biktima sa kanyang mga kaanak ang matinding pangungulila nito sa dalawang taon ng pumanaw na asawa na posibleng naging dahilan upang wakasan na nito ang kanyang buhay.

Samantala, isang 29-anyos naman na empleyado ang nagbigti sa harapan ng kanyang natutulog na ina, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Hindi na nagawang isugod sa pagamutan ang biktimang si Edwin Garcia ng 912 E. Pantaleon St., Brgy. Barangka Itaas ng nasabing lungsod matapos na magbigti ito gamit ang isang lubid na ipinalupot nito sa kanyang leeg at itinali sa kisame ng kanilang bahay.

Sa ulat, dakong alas-4:45 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang ina ng biktimang nakilalang si Belinda Reyes nang makarinig ito ng isang malakas na kalabog at sunod-sunod na ungol.

Pagdilat umano nito ng kanyang mata ay laking gulat niya nang tumambad sa kanyang harapan ang biktima na nakabitin sa kisame at lawit na ang dila.

Nabatid na bago ang insidente ay palagi umanong matamlay at wala sa sarili ang biktima ngunit wala naman umano itong idinadaing na problema sa buhay. (Ulat nina Rose Tamayo/Edwin Balasa)

vuukle comment

ARELLANO ST.

BAGONG BARRIO

BARANGKA ITAAS

BELINDA REYES

CALOOCAN CITY

CRUZ

EDWIN BALASA

EDWIN GARCIA

KANYANG

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with