Kasalukuyang inoobserbahan sa intensive care unit ng Mandaluyong Medical Hospital ang biktima na si Bernaditto Beltran, ng 692 Daang Bakal, Brgy. Hulo ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong saksak sa dibdib.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi. Habang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ay bigla itong hinarang ng mga suspek na sina James Salanio, 18, Bernon Lopez at isang alyas na Oswald at pinagtulungang bugbugin ang biktima.
Ang nasabing insidente ay nakita ng lola ng biktima na si Herminihilda Abundo kaya agad nitong dinaluhan ang apo upang awatin ang mga suspek, subalit itinulak umano ito ng isa sa mga suspek habang inuundayan naman ng saksak ng dalawa nitong kasamahan ang biktima habang nakamasid ang matanda. (Ulat ni Edwin Balasa)