8 Task Group binuo

Walong Task Group ang binuo ng Philippine National Police (PNP) upang mangalaga sa seguridad sa gaganaping 4rth World Meeting of Families sa Metro Manila sa darating na Enero 21.

Kasabay nito, binigyan ng direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Reynaldo Velasco sina Western Police Director P/Chief Supt. Pedro Bulaong at Southern Police District Director (SPD) P/Chief Supt. Jose Gutierrez upang pamunuan ang Task Group West at South na siyang magbabantay at mamamahala ng seguridad sa mga lugar na pagdarausan ng okasyon.

Ang Task Group Airport ay pamumunuan naman ni Aviation Security Group (ASG) Director P/Chief Supt. Jesus Versoza at Task Force Harbor ni PNP-Maritime Group Director P/Chief Supt. George Aliño para mamahala naman sa seguridad ng mga dayuhan at lokal na delegado na makikilahok sa pagdiriwang.

Pamumunuan naman ni Traffic Enforcement Group (TEG) Chief P/Sr. Supt. Luisito Maralit ang pangangasiwa sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko. (Ulat ni Danilo Garcia )

Show comments