Royette Padilla nagwala dahil sa nawalang video tape

Galit na galit na nagtungo sa himpilan ng pulisya sa Quezon City ang aktor na si Royette Padilla at inireklamo ang kanyang kasintahan na pinagbibintangan nito na kumuha ng kanyang video tape.

Ayon sa aktor, walang ibang kukuha ng kanyang personal video tape na napakahalaga sa kanya kundi ang kanya umanong kasintahan na si Yvonne Solivilla, 39, ng 163 Tolentino St., Barangay San Antonio, Quezon City.

Wala umanong mag-iinteres rito kundi ang kanyang kasintahan at dahil sa silang dalawa lamang ang nasa bahay.

Gayunman, itinanggi ni Solivilla na wala siyang alam sa ibinibintang ng aktor at hindi niya alam kung ano nga ang laman ng tape na sinasabi nito.

Hindi naman nagbigay ng paliwanag si Royette kung ano ang laman ng napakahalagang video tape. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments