Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima na nakilalang si Roberto Musnia, 39, makaraang magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.
Samantala, nasa kritikal na kondisyon sa Ospital ng Maynila ang iba pang biktima na sina Grace Yabut, 20; Joen Sarmiento, 17; at Reynaldo Santos, 16.
Pinaghahanap naman ang suspect na nakilala lamang sa pangalang "Onie" na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang pamamaril.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Brgy. Kapampangan ng nasabing lugar.
Nabatid ng pulisya na dumalo ang suspect sa fiesta sa lugar at nakihalong makipag-inuman sa ilang kalalakihan.
Lingid sa kaalaman ng mga taga-roon na kapag nalalasing ang suspect ay pinagsisimulan ito ng kaguluhan. Ilang minuto pa ang nakalipas ay naghanap na ito ng gulo at binunot ang nakasukbit na baril sa kanyang baywang at saka walang habas na nagpapaputok ng maraming beses na ikinatama sa mga biktima.
Minalas na mapuruhan ang biktima si Musnia. (Ulat ni Grace dela Cruz)